Ayaw paasahin ng PNP o Philippine National Police ang ilan sa mga naiwang pamilya ng SAF 44 na makatatanggap sila ng Medal of Valor.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, bagamat iba na ang magre-review sa naging partisipasyon ng SAF Commandos sa Oplan Exodus, pareho pa rin naman ang gagamiting guidelines ng PNP promotions awards and decorations board sa pagtukoy kung kwalipikado sa Medal of Valor ang isang pulis.
Magkakaiba na lang aniya ito sa appreciation ng PNP Chief at ng commander-in-chief sa resulta na ipapasa ng PNP review committee.
Paliwanag ni Carlos, isa sa magiging batayan ng paggawad ng Medal of Valor ay kung nakatulong ang ginampanang tungkulin ng isang saf commando para magtagumpay ang kanilang misyon.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal