Ayaw pang magpaka kampante ng PNP kahit pa naging maayos at generally peaceful ang unang araw ng pamamahagi ng ECQ ayuda sa Metro Manila.
Ipinabatid ito ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos bumisita sa ilang ayuda centers sa mga lugar sa Maynila at Quezon City.
Kabilang sa mga ininspeksyon ni Eleazar ang ayuda centers sa Benigno Aquino Elementary Schools sa Barangay Commonwealth at Corazon Aquino Elementary School sa Barangay Batasan na kapwa nasa Quezon City.
Pagkatapos nito ay nag tungo naman sa ayuda centers sa manila High School at Marcelo Agoncillo Elementary School sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Eleazar na patuloy ang paalala ng PNP sa publiko lalo na sa mga kukuha ng ayuda na sumunod sa mga itinakdang panuntunan para maiwasan ang anumang aberya. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).