Pormal nang inilunsad kahapon, Mayo 14 ng Pambansang Pulisya ang Barangayanihan o Bayanihan sa Barangay Help and Food Bank.
Mababatid na ito’y pinangunahan ni PNP chief, Police General Guillermo Eleazar kasabay ng paglulunsad nito sa lahat ng mga tanggapan ng pulisya sa bansa.
Layon ng naturang porograma ng Pambansang Pulisya na tugunan ang mandato sa kanilang hanay na protektahan ang publiko at pagtibayin ang social responsibility lalo pa’t ngayong panahon ay may COVID-19 pandemic.
Sa huli, binigyang diin ng Pambansang Pulisya na ang kanilang proyekto na Barangayanihan ay target na makatulong sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho at hanapbuhay ngayong mapanghamong panahon.