Pumalo na sa mahigit 1,500 drug surenderees na ang naitala ng pambansang pulisya dalawang linggo mula nang ibalik ng PNP ang Oplan Tokhang.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, pawang nagmula sa Northern Mindanao ang karamihan sa mga nagsisuko na nasa 586 habang 401 naman mula sa Metro Manila.
Kasunod nito, nakapagtala na ang PNP ng 56 na napapatay na drug suspek mula nang bumalik ang Oplan Tokhang nuong ika-lima ng Disyembre nuong isang taon hanggang madaling araw kahapon, Pebrero a-Nueve.
Papalo naman ayon kay Madrid sa 6,200 drug personalities ang naaresto ng pulisya sa kanilang mga operasyon sa parehong panahon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio