Nagbigay ng babala si Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar nitong sabado tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga kandidato sa mga sindikato para masiguro ang kanilang pagkapanalo sa susunod na taon ng eleksyon.
Ani Eleazar, itoy dahil sa posibilidad na maaaring pondohan ng mga sindikato ng iligal na droga ang kampanya ng ilang kandidato kapalit ng proteksyon sakaling palarin na manalo.
Inihalimbawa rin niya ang kaso ng alkalde sa Quezon Province na naaresto noong 2001 sa pagbabyahe ng shabu gamit ang ambulansya at ang insidente nitong Hunyo na naresto ang alkalde ng Maguindanao dahil sa iligal na droga na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso.
Babala pa ni Eleazar na siya mismo ang mag-eexpose at mangunguna sa pagsasampa ng disqualification at mga kaukulang kaso kung makakalap ito ng sapat na ebidensya.