Pinangaralan ng Philippine National Police (PNP) Information Technology Management Service (ITMS) ang 41 Technology Computer Oriented Personnel ng Techno Cop Badge sa isinagawang ceremonial pinning sa ITMS tagapamaya pa training laboratory sa Kampo Krame.
Ang bawat IT Cop ay binigyan ng magkakaibang badge pero depende sa antas ng kasanayan ng mga ito gaya ng basic, honorary at advance level.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang kasanayan at kakayahan ng mga IT Cops bilang highly trained technical personnel ay mahalaga ang papel na ginagampanan pagdating sa pagsulong ng mga proyekto ng PNP na kaugnay sa makabagong teknolohiya.
Gaya aniya pagharap ng PNP sa digital transformation kung saan gamit na ang information technology sa lahat ng business process, front-line services, at online communications.
Matatandaang nagsimula noong 1965 ang ITMS mula sa Philippine Constabulary Data Processing Unit (PCDPU) na siyang nangunguna sa pagbibigay ng technical support sa PNP para sa pagkolekta ng data na may kaugnayan sa krimen. – mulat sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) at sa panulat ni Jenn Patrolla