Bukas ang Philippine National Police (PNP) na kupkupin si Edgar Matobato, ang nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad na tumestigo sa Senado.
Inihayag ito ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa makaraang tumanggi si Senate President Koko Pimentel na isailalim sa kustodiya ng Senado si Matobato.
Gayunman, duda si Dela Rosa kung papayag ang komite ni Senador Leila de Lima na mapunta sa kustodiya ng PNP si Matobato.
Samantala, sinabi ni Bato na handa rin silang imbestigahan ang mga pangalang ibinunyag ni Matobato sa Senado na pawang mga sangkot sa extrajudicial killings sa Davao City noong mayor pa doon si Pangulong Rodrigo Duterte at hepe pa ng pulisya doon si Bato.
Kasabay nito ay iginiit ni Bato na hindi niya kilala si Matobato.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)