Minaliit lang ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang balak ng Commission on Human Rights ng Amerika na imbestigahan ang war on drug sa Pilipinas.
Ayon kay Dela Rosa, wala siyang pakialam sakaling ituloy ng mga Kano ang kanilang imbestigasyon pero wala naman siyang nakikitang dahilan para sa naturang hakbang dahil may sariling soberanya ang Pilipinas at hindi ito bahagi ng Estado ng Amerika.
Gayunman, bukas pa rin anya ang P.N.P. sa imbestigasyon ng U.S. Human rights sa war on drugs sa Pilipinas.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
PNP bukas sa imbestigasyon ng US human rights sa war on drugs was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882