Bumuo na ng special investigation task group (SITG) ang Philippine National Police para tumutok sa imbestigasyon sa pagpatay sa tserman ng Barangay Anurturu sa Rizal, Cagayan.
Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., binuhay ang SITG matapos ang pamamaril sa biktimang si Roberto de Ocampo.
Sa inisyal na pagsisiyasat, lulan ng motorsiklo si de Ocampo nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa Barangay Gumarueng sa bayan ng Piat.
Sugatan naman sa insidente ang kanyang asawa na si Leonora.
Nabatid na nire-review na rin ng pulisya ang mga kuha ng mga CCTV camera sa lugar kung saan tinambangan si de Ocampo.