Bumuo na ng task units ang Philippine National Police (PNP) na tututok sa kaso ng bullying sa mga eskwelahan kasabay ng pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, mahalagang ma-ireport agad ng mga magulang kung nabibiktima ang kanilang mga anak ng bullying sa eskwelahan para agad na maimbestigahan ang mga ito.
Aniya, batay sa kanilang datos, nakapagtala sila ng nasa 22 kaso ng cyberbullying simula 2017 hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Banac, nine sa nasabing bilang ay biktima ng cyberbullying noong 2017, 11 noong 2018 at dalawa nitong 2019.
Karamihan din aniya sa mga insidente ng bullying ay nangyari sa pamamagitan ng social media at karaniwang kinasasangkutan ng mga kabataan.