Bumuo na ng special task group ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay National Center for Mental Health Chief Dr. Roland Cortez.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Chief Brig. General Ronnie Montejo, kanila nang sinusuri ang mga nakuha nilang kopya ng kuha ng cctv sa lugar ng pamamaril.
Makatutulong aniya ito sa ikinakasang imbestigasyon sa insidente.
Una na ring ipinalabas ng QCPD criminal investigation and detection unit ang facial composite sketch sa umano’y spotter o nagmanman sa kilos ng biktima bago ito pinatay
Lunes, hulyo a-bente siyete nang tambangan at mapatay si Cortez kasama ang kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz sa bahagi ng barangay Culiat, Quezon City.