Halos 1,000 pulis ang idineploy ng Philipine National Police o PNP upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa libing ni dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, mayroong mga nakaantabay na tauhan sa lahat ng mga lugar na dadaanan ng funeral convoy.
Aniya, katuwang din ng PNP ang Metropolitan Manila Development Authority at highway patrol group upang tumulong sa maayos na paglilipat ng labi ng dating Pangulo.
Samantala, dahil sa banta ng COVID-19 ay hinimok ni Eleazar ang publiko na makiramay na lamang sa pamamagitan ng livestream.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico