Nakabantay ang buong pwersa ng Philippine National Police sa pagsalubong sa bagong taon ng mga mamamayan.
Ayon kay PNP spokesman chief superintendent Dionardo Carlos, nakadeploy ang lahat ng mga pulis mula alas-singko ng hapon bisperas ng bagong taon hanggang alas-singko ng madaling araw ng Enero 1.
Ito aniya ay upang bantayan ang mga lalabag sa executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkontrol sa mga paputok at hulihin ang mga walang habas na magpapaputok ng baril.
‘Yung application ng law is for everybody. Whether you are a civilian or any gun owner or gun holder na magpapaputok at hindi otorisado tiyak na huhulihin namin ‘yan. Kung hindi man, iimbestigahan namin at papanagutin sa paglabag sa batas. Pahayag ni Carlos