Handa na ang chemical, biological, radiological, nuclear and high yield explosives (CBRNE) ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay upang makapagbigay ng ayuda sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa banta ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa bansa.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, binubuo ang CBRNE ng 105 pulis mula sa SAF, health service, crime laboratory at explosives ordinance division-K9 na nagsanay para magsagawa ng quarantine procedures.
Sinabi ni Gamboa na nakaantabay lang ang kanilang CBRNE units sakaling kailanganin ng Department of Health bilang siyang lead agency sa pagtugon sa nCoV.
Nakasuot aniya ng hazardous suit material ang mga ito na minsan lang gagamitin o sa tuwing magkakasa sila ng operasyon tulad ng repatriation ng mga Pilipinong nasa mga bansang apektado ng nasabing virus.
Samantala, muli namang umapela si Gamboa sa publiko na maging kalmado at panatilihing malinis ang kapaligiran, malusog ang pangangatawan at magkaroon ng tamang nutrisyon.