Hindi magandang tignan na ipino-post sa social media ng mga pulis ang kanilang mga hinaing sa Philippine National Police.
Ito ang iginiit ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde kasabay ng paki-usap sa kanyang mga tauhan na huwag idaan sa social media ang kanilang mga reklamo sa organisasyon.
Ayon kay Albayalde, may grievance committee ang PNP kung saan maaaring idulog ng mga pulis ang kanilang mga hinaing.
Maaari rin aniyang lumapit sa kani-kanilang mga commander kung may napunang mali sa pataran ng PNP.
Dagdag pa ni Albayalde, bukas din ang kanyang tanggapan at nakahanda rin aniya siyang makinig sa hinanakit ng mga pulis.