Balik trabaho na si PNP Chief, General Archie Gamboa matapos itong makaligtas sa pagbagsak ng sinasakyang helicopter.
Dumalo si Gamboa sa flag raising ceremony na naka cast pa ang kanang kamay.
Pinasalamatan ni Gamboa ang lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling kasama ng kanyang mga kasamahan sa bumagsak na chopper.
Nakiusap rin si Gamboa sa publiko na iwasan ang mga ispekulasyon sa pagbagsak ng chopper.
Isa lamang si Gamboa sa walong sakay ng bumagsak na chopper kung saan dalawa pang heneral ang kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan.
“Of course yung sabotage ‘sinadya’ I don’t believe so, ako personally convinced ako nandun ako sa loob ng helicopter, nobody in his right mind even what kind of interest in his mind would do that. Ako, I strongly believe na walang sabotahe doon,” ani Gamboa.
Gayunman, nilinaw ni Gamboa na personal nyang opinyon ang paniniwala na walang sabotaheng nangyari sa pagbagsak ng chopper.
Kailangan pa rin anyang hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng special investigation task group.
Tiniyak rin ni Gamboa na sumailalim sa regular bidding ang bumagsak na chopper kung saan sya pa ang namumuno nuon sa bids and awards committee
“…Its way above board and these are brand new helicopters it came all the way from Canada, we had a pre-delivery inspection there, it was tested in Canada, before it was finally transported here and another inspection was conducted here. It’s been flying for more than two years now,” ani Gamboa.