Bukas si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa plano ng Ombudsman na imbestigahan siya dahil sa pagpunta niya sa Las Vegas para manood ng laban ni Senador Manny Pacquiao.
Ayon kay General Bato, titingnan niya kung makukulong nga siya matapos ang isasagawang imbestigasyon.
Nanindigan si Dela Rosa na wala siyang ginawang mali sa pagtanggap ng imbitasyon ni Pacquiao na sumama sa Las Vegas dahil hindi naman niya kinurakot ang ipinambayad nya sa pamasahe at hotel ng kanyang pamilya sa Amerika dahil sinagot ito ng kanyang kumpareng si Pacman.
Ang imbestigasyon ng Ombudsman laban kay Dela Rosa ay nakabatay sa Republic Act 6713 kung saan pinagbabawalan ang lahat ng opisyal ng gobyerno na tumanggap ng kahit anong pabor o regalo mula sa kahit sinong tao.
on Kerwin Espinosa
Samantala, tiniyak ni Dela Rosa na hindi matutulad si Kerwin Espinosa sa kanyang amang si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na pinatay sa loob ng Baybay City Sub Provincial Jail.
Ayon kay Dela Rosa, siya ang bahala sa seguridad ni Kerwin na aniya’y posibleng idiretso nila sa custodial center ng PNP pagdating nito sa bansa.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na hihilingin nila sa korte na sa Camp Crame ikulong si Kerwin.
By Len Aguirre