Handa si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na tanggapin ang alok na posisyon sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa hindi niya tinatakbuhan ang pagiging Chief ng Bureau of Correction kung saan plano siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang manungkulan bilang PNP Chief.
Hindi rin niya tinuturing aniya na “step down” ang pamumuno sa BUCOR kahit siya pa ay naging hepe ng PNP, nasa kung paano lamang umano titingnan iyon ng tao ang trabaho.
Dagdag pa ni Dela Rosa handa siyang gawin ang lahat ng makakaya para sa ikakabuti ng pamahalaan at ng buong bansa.
Kasabay nito, tiniyak ni Dela Rosa na tutuldukan niya ang drug trafficking sa loob ng koreksyunal sa oras ng kaniyang pamumuno.