Handang magpakulong si Philippine National Police (PNP) Chief Director Ronald dela Rosa kung mapapatunayang labag sa batas ang pagtanggap niya ng libreng biyahe sa Las Vegas para manood ng laban ni Senador Manny Pacquiao.
Binigyang diin ni Dela Rosa na nirerespeto niya ang Ombudsman at naunawaan niya na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho kaya siya iniimbestigahan.
Ayon kay Dela Rosa, ang mahalaga ay naging tapat at transparent siya sa pag-amin na inilibre ni Pacquiao ang kanyang pamilya sa naging biyahe nila sa Las Vegas.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa
Possible ‘writ’ suspension
Samantala, suportado ni Dela Rosa ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang writ of habeas corpus dahil sa terorismo ng Maute Group sa Mindanao at problema sa iligal na droga bansa.
Ayon kay Dela Rosa, mapapadali ang kanilang trabaho kapag sinuspindi ang writ of habeas corpus dahl tiyak na mapipigil na ang iligal na aktibidad ng mga nasasangkot sa illegal drugs.
Bagama’t tiniyak ni Dela Rosa na hindi aabusuhin ng PNP sakaling masuspindi ang writ of habeas corpus, inamin naman nito na hindi mawawala ang mga abusadong pulis sa bansa, may writ man o wala.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)