Nilinaw ng PDP – Laban o Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan na hindi kasama si Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2019 Elections.
Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni Dela Rosa noong Mayo na bukas siyang tumakbo bilang senador.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel na siya ring chairman ng partido, hindi pinapayagan ni Pangulong Duterte na kumandidato ang mga miyembro ng kanyang gabinete para sa 2019 Elections.
Nauna dito, inilabas ni Pimentel ang posibleng senatorial line up ng PDP – Laban sa 2019 na kinabibilangan nina House Majority Leader Rodolfo Fariñas, Negros Occidental Representative Alfredo Benitez, Bataan Representative Geraldine Roman, Davao City Representative Karlo Nograles at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.