Nasa Colombia ngayon si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa upang aralin kung paano napagtagumpayan ang giyera ng Colombia laban sa droga.
Ayon kay Dela Rosa, alamin niya at oobserbahin ang mga paraan na ginawa ng nasabing bansa para tuluyang masugpo ang iligal na droga doon.
Matatandaan na ang Colombia ay naging notorious noong Dekada 80 dahil sa mga Colombian drug cartels na nagsusuplay ng 90 porsyento ng pandaigdigang supply ng cocaine.
Dahil dito, nakuha ng Colombia ang reputasyon nito sa buong mundo bilang isang narco state at isa sa mga namayagpag doon bilang drug kingpin ay ang nasawing si Pablo Escobar.
Sa ngayon, ang Colombia ang nangunguna sa pandaigdigang kampanya kontra droga, gamit ang 30 taong kampanya sa pakikipaglaban sa droga.
Extension
Samantala, nagpasalamat naman si PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa pagpapalawig ng Pangulong Rodrigo Duterte sa deadline sa kampanya kontra droga at kriminalidad.
Ayon kay Dela Rosa, bagamat hindi humingi ng palugit ang pulisya, nakita ng Pangulo na sila ay nahihirapan kaya ginawang isang taon ang deadline sa kampanya kontra droga.
Bagamat binigyan ng palugit, tiniyak ni Dela Rosa na magiging mas masigasig sila sa trabaho.
By Len Aguirre | Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)