Mainit na sinalubong ng mga local chief executive sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar.
Ito’y kasunod ng kaniyang pagbisita sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) bilang bahagi ng kaniyang command visit mula nang maupo sa puwesto nuong Mayo.
Unang binisita ni Eleazar ang Isabela City sa Basilan na siyang kauna-unahang pagbisita nito sa lalawigan habang ika-pito naman sa rehiyon.
Kasunod nito, hiniling ng PNP Chief sa mga local chief executive na suportahan ang kanilang kampaniya para sa intensified cleanliness policy upang maibalik ang tiwala ng publiko sa kanilang hanay.
Matapos makipagpulong ni Eleazar sa mga gobernador at alkalde, agad siyang nag-ikot sa mga himpilan ng pulisya para inspeksyunin at kumustahin ang mga kasama nila sa ground—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)