Aminado si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na nawawalan na sya ng ganang ipagpatuloy ang pamumuno sa PNP.
Bunga anya ito ng sobrang kahihiyan sa kinakaharap na kontrobersya ngayon ng PNP lalo na ang pagpatay kay Jee Ick Joo sa loob mismo ng Kampo Krame.
Dahil dito, sinabi ni Dela Rosa na muli syang nagpa alam sa Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw na sya sa tungkulin subalit muli naman itong tinanggihan ng Presidente.
Ayon kay Dela Rosa, pagod na sya sa kanyang trabaho at nais na nyang umuwi ng Davao kung saan magpapahinga na lang sya sa mga natitira pang buwan ng kanyang pagiging pulis.
Samantala, muling nagpasalamat si Dela Rosa sa Pangulo sa patuloy na pagtitiwala nito sa kanya.
“I am already tired, I am very much ashamed, I am very much embarrassed, I am very much disappointed, I ran out of reason for my continued stay as your Chief PNP, baka akala ninyo masaya ako maging Chief PNP, No, I want to go home, I want to go back to Davao.” Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Bato Dela Rosa
By: Len Aguirre