Tiniyak ni PNP Chief Director General Dela Rosa na hindi niya lulubayan ang mga tiwaling pulis kahit siya ay magretiro na serbisyo.
Ayon kay Dela Rosa, handa siyang mamuno ng isang vigilante group para lamang maipagpatuloy ang kampanya laban sa mga scalawag na pulis.
Pinangagambahan umano niya ang posibleng pagbabalik sa kanilang mga iligal at tiwaling gawain ang mga pulis kapag hindi na siya ang hepe ng PNP.
Handa aniya siyang maging vigilante at makipagbarilan sa mga tiwaling pulis, kaya’t kung hindi aniya sa bilangguan ay baka sa ilalim ng lupa ang kahantungan ng mga ito.