Aminado si Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa na may mga pulis na umabuso na dating ‘Oplan Tokhang’.
Ito aniya ang dahilan kung bakit naglabas ngayon ng panibago at mas detalyadong guidelines ang PNP sa Tokhang.
Ayon kay Bato, may ilang mga pulis noon ang pinagkakitaan ang Tokhang kung saan umaakyat pa umano sa mga condominium sa Makati ang ilang pulis para takutin ang mga nasa listahan ng Tokhang.
Kokotongan aniya ang mga target kapalot ng pagkakatanggal ng kanilang pangalan sa listahan.
Ito aniya ang iiwasan ngayon ng PNP kaya piling-pili lang ang mga magtotokhang, may kasama pang taga-barangay at human rights at may takdang oras lang.
Inamin din ni Dela Rosa na ang pagdadagdag ng guidelines sa Tokhang ay bunsod na rin ng petisyong kinakaharap nila sa Korte Suprema.
—-