Aminado si Philippine National Police o PNP Chief, Director Genaral Ronald Dela Rosa na mayroong “Palit-Ulo” Scheme.
Pero nilinaw ni Dela Rosa na iba ang bersyon ng palit-ulo scheme ng PNP sa naunang isiniwalat ni Vice President Leni Robredo sa isang UN o United Nations conference kung saan kaanak ng mga drug personality ang ipinapalit sa suspek.
Ayon kay General Bato, sa ilalim ng bersyon nila ng palit-ulo ay ituturo ng isang drug pusher ang kanyang supplier o sino ang drug lord na namamahala sa kanila.
Samantala, hinamon ni Dela Rosa si Vice President Leni Robredo na dalhin mismo sa kanya ang pulis na sangkot sa palit-ulo scheme na ayon sa pangalawang Pangulo ay nambibiktima ng mga inusenteng kaanak ng mga drug suspects.
Para kay Dela Rosa, walang katotohanan ang mga akusasyon ni Robredo laban sa mga miyembro ng PNP.
Iginiit ng PNP Chief na wala pa namang nakakarating sa kanyang reklamo ukol sa umano’y palit-ulo.
Binigyang diin ni Dela Rosa na kung maihaharap ni robredo ang mga pulis na sangkot sa sinasabi nitong palit-ulo scheme ay siya mismo ang bubugbog sa mga ito sa harap ng bise presidente.
PAKINGGAN: Pahayag ni PNP Chief, Director Genaral Ronald Dela Rosa
By Drew Nacino / Ralph Obina