Inatasan ni PNP chief director general Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang SAF o Special Action Force para tugisin ang mga pulis scalawag.
Ayon kay dela Rosa, 70 SAF troopers at 30 CIDG men ang bubuo sa bagong tatag na CITF o Counter Intelligence Task Force na pamumunuan ni police sr. Supt. Jose Chiquito Malayo.
Sinabi ni dela Rosa na sa Lunes, Pebrero 6 ay magsisimula na sa kanilang trabaho ang CITF kung saan ilulunsad na ng PNP ang bago nitong units kontra rogue cops kaugnay ng internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.
Una rito, binuwag ni dela Rosa ang PNP-Anti Illegal Drugs Group kasunod ng pagdukot kay South Korean businessman Jee Ick-Joo noong Oktubre 18, 2016 na pinaslang mismo sa loob ng Camp Crame.
By Meann Tanbio