Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa bilang susunod na pinuno ng Bureau of Corrections o BuCor.
Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go, oras na magretiro na si Dela Rosa sa Enero 21 ng susunod na taon.
Magugunitang inamin ni Dela Rosa na ilang beses na siyang inalok ni Pangulong Duterte ng isang posisyon sa pamahalaan sa kanyang pagreretiro.
Bagama’t hindi inihayag ni Dela Rosa kung anong posisyon, inilarawan naman niya ito bilang isa sa pinakamahirap na posisyon kung saan wala pang mga naunang pinuno nito ang nagtagumpay.
(with report from Jopel Pelenio)