Mas nanaisin pa ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na makulong sa kasong murder kasya makulong dahil sa korupsyon.
Sa naging talumpati ni Dela Rosa sa assumption of post ni Chief Supt. Armando Corpus bilang incoming PNP logistics support service sa Camp Crame, naging mahigpit ang bilin nitong huwag syang idadamay sa mga kabulastugan.
Nakakahiya aniya kung masasabit pa sa sya sa korupsyon ngayong patapos na sya sa serbisyo.
Ang logistic support service kasi ay ang namamahala sa pagbili ng mga supplies ng pulisya at nakikipag uignayan sa mga contractor.
By: Rianne Briones / Jonathan Andal