Muling humingi ng paumanhin si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Korean Community kaugnay sa nangyaring pagpaslang sa Koreanong si Jee Ick Joo.
Nangyari ito sa ginanap na meeting nina Dela Rosa, mga opisyal ng Korean Embassy, lokal na pamahalaan at mga miyembro ng Korean community sa Clark, Pampanga.
Ayon kay Dela Rosa, titiyakin niyang hindi na mauulit ang gaanong klase ng krimen sa mga Koreano.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Dela Rosa
Sa tala ng Korean Embassy, nasa 90,000 ang nanirahang Korean sa Pilipinas kung saan 20,000sa mga ito ay residente ng Pampanga.
Mayroon naman 20 Koreanong napapatay sa buong mundo kada taon kalahati dito ay nangyari sa Pilipinas.
Kaugnay nito, inilunsad ang pagkakaroon ng Korean Assistance Office na naglalayong tumugon sa mga idudulog na reklamo ng mga Korean Nationals.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Dela Rosa
By Rianne Briones / Jonathan Andal (Patrol 31)