Naaalarma na ang hepe ng pambansang pulisya sa magkasunod na pagpatay sa Dalawang (2)mataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, may nakikita na siyang pattern sa nangyaring mga krimen.
Tiniyak ni Dela Rosa na tututukan nila nang maigi ang mga insidenteng ito.
Gagawin, aniya, nila ang lahat para hindi na ito masundan pa.
Samantala, bukas naman si Dela Rosa na bigyan ng dagdag na seguridad ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno
Matatandang tinambangan at napatay sina Customs Deputy Commissioner Arturo Lachica sa Maynila noong Huwebes at BIR Regional Director Jonas Amoras kaninang umaga sa Quezon City.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal