Nagsilbing ninong sa kasal ng 21 pares ng magsing irog sa Camp Crame si Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at asawa nitong si Nancy.
Ang mass wedding ay taunang tradisyon na sa PNP kung saan libre ang pagpapakasal sa PNP Chapel at mayroon ding libreng reception.
Bahagi rin ito ng selebrasyon ngayong taon ng ika 26 na taong pagkakatatag sa PNP.
Samantala, bahagi pa rin ng paggunita sa Valentine’s Day, namahagi sa publiko ang PNP police community relations group ng valentine’s day safety tips.
Nakasulat ang safety tips sa kulay pulang card na mayroong disenyong puso.
Nangunguna sa safety tips ang pagpigil sa sarili na i-anunsyo sa social media kung saan magde-date dahil para itong pagpapahayag na walang tao sa inyong bahay.
Ayon sa PNP, hindi rin sapat i-post ang mga larawan, mag iwan ng bukas na ilaw sa bahay para isipin ng mga masasamang loob na may tao sa loob, huwag magdala ng maraming pera at magsuot ng maraming alahas, tiyaking nakasarado ng mabuti ang bahay bago umalis at siguraduhing walang maiiwang bukas na oven o kandidla na pwedeng pagmulan ng sunog habang nasa valentines date.
By Len Aguirre