Kung may iba pang paraan maliban sa “shame campaign” para tumino ang mga police scalawags, gagawin ito ng Philippine National Police para maging malinis ang kredibilidad ng mga pulis.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na nahihiya siya sa mga pinaggagawa ng police scalawags.
Kabuuang 220 pasaway na mga pulis ang dinala ni Dela Rosa sa Malacañang.
Dalawa rito ang mga babae at hindi nakasama ang 48 iba pa dahil dumadalo sa court hearing ang ilan sa mga ito.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping