Pinangalanan na ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pagpipilian na magiging kapalit niya.
Kabilang sa short list para sa susunod na PNP Chief Sina Police Deputy Director General Ramon Apolinario, Police Deputy Director General Archie Gamboa, Deputy Chief of Operations Police Deputy Director General Fernando Mendez, Director for Operations-Police Director Camilo Cascolan at NCRPO Chief Director Oscar Albayalde.
Sinabi ni Bato na kahit sa mga nasabing opisyal ay uubrang maging epektibong PNP Chief subalit wala aniya siyang i e endorso sa mga ito.