Plano ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na lapitan ang mga TV station na may hawak sa mga artistang sangkot sa iligal na droga
Sinabi ni Bato na sa halip na Oplan Tokhang uubra naman nilang i apply sa mga artista ang Oplan Taphang o Tapok Hangyo na modified Tokhang na ginagamit din nila aniya nuon sa Davao
Ayon kay bato sa Tapok hangyo balak niyang pagsama samahin ang lahat ng mga artistang nasa iisang istasyon lang na nasa drug list ng Pangulong Rodrigo Duterte
Sabay sabay aniya nilang kakausapin at pakikiusapan na huminto na sa pagdo droga lalot maraming kabataan ang umiidolo sa mga ito
Subalit nilinaw ni Bato na isasalang din ang mga artista sa parehong proseso na ginagawa nila sa mga street level drug user o pusher na sumusuko
By: Judith Larino / Jonathan Andal