Sinagot ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang binitiwang pahayag ni Vice President Leni Robredo na nagsabwatan ang AFP, PNP at pamilya Marcos para sikretong maihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Dela Rosa, wala silang pakialam kung sikreto o hindi ang libing ni Marcos, sabay giit na walang halong pulitika ang kanilang mga kinikilos.
Ang sa kanila lang aniya ay matiyak na ligtas ang publiko sa paligid ng Libingan ng mga Bayani noong araw ng Marcos burial.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal