Tiniyak ng hepe ng pambansang pulisya na walang dahilan upang maalarma ang publiko makaraang maaresto ang dalawang suspect sa natagpuang improvised explosive device malapit sa US Embassy.
Paalala ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na huwag mag-panic ang publiko pero maging alerto at mag-ingat.
Sa gitna ito ng idineklarang alert level 3 sa buong bansa na aniya’y hindi pa naman ibinababa mula nang pasabugan ang Davao.
Dagdag pa ni Dela Rosa, hindi porke’t naka-full alert ang bansa’y dapat nang magpakalugmok sa takot at kalungkutan ang mga tao kaya ituloy pa rin, aniya, nila ang kanilang mga plano para sa darating na kapaskuhan.
Gayunpaman, aminado ang PNP Chief na napakaseryoso ng sitwasyon ngayon lalo’t may natagpuan ng IED.
By: Avee Devierte