Aminado si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na nalulungkot siya’t kailangan nitong imbestigahan ang 5 heneral na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Aniya, upperclassmen niya ang mga pinangalanang heneral.
Gayunpaman, sinabi niyang kailangan nitong gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.
Sa 5 heneral na pinangalanan ni Pangulong Duterte, nasa active duty pa sina dating NCR Police Office Director Chief Superintendent Joel Pagdilao, dating Quezon City Police District Office Director CHIEF Superintendent Edgardo Tinio, at dating Region 11 Police Chief Superintendent Bernardo Diaz.
Bagaman tinanggalan ng tungkulin sina Pagdilao, Tinio, at Diaz simula noong Biyernes, may pananagutang administratibo pa rin ang mga ito kapag hindi sumailalim sa imbestigasyon.
Samantala, kabilang din sa iimbestigahan ng hepe ng PNP ang mga retiradong heneral na sina Marcelo Garbo Jr at Vic Loot na ngayo’y Alkalde ng Daanbantayan, Cebu.
By: Avee Devierte