Walang dahilan para magbitiw si PNP Chief Dir. Gen. Ronald “bato” Dela Rosa sa kabila ng pagdukot at pagpatay umano ng mga scalawag na pulis sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo sa loob mismo ng Camp Crame.
Ito ang tugon ni Senate President Koko Pimentel sa panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mag-resign si Dela Rosa matapos ang krimen na naganap mismo malapit lamang sa tanggapan ng PNP Chief.
Bagaman maituturing na nagresolba na ang krimen, mas marami anyang kasong dapat pagtuunan ng pansin si Dela Rosa gaya ng mga kaso ng death under investigation na umabot na sa 3000.
By: Drew Nacino