Dumipensa si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez dumipensa sa kakapusan ng police visibility.
Matatandaan na noong unang araw pa lamang ni Marquez ay ipinag-utos na nito ang pagpapatrolya ng mga pulis upang mapababa ang kriminalidad.
Ayon kay Marquez, hindi maaring pabigla-bigla ang pagpapatupad ng naturang plano bagkus ito ay dumadaan sa isang maayos na sistema.
Ang mahalaga aniya sa ngayon sinisimulan na ang naturang proyekto sa pamamagitan ng pagpapalabas sa mga pulis na nasa opisina kahit tig-dadalawang oras lamang.
By Rianne Briones | Jonathan Andal