Ipinag-utos ni Philippine National Police o PNP General Guillermo Eleazar ang crackdown laban sa mga private armed groups.
Ito’y dahil sa nalalapit na paghahain ng certificate of candidacy o COC.
Sinabi ni Eleazar na maaaring gamitin daw ito para maimpluwensyahan ang magiging kahihinatnan ng national at local elections sa susunod na taon.
Bukod dito, kailangan rin paigtingin ng local police ang kanilang intelligence gathering measures para labanan ang naturang mga grupo para mapigilan ang election violence.
Samantala, tiniyak naman ng kapulisan na hindi magtatagumpay ang violent groups para walang maging dayaan sa halalan.