Siniguro ni Philippine National Police o PNP Chief, General Guillermo Eleazar na nakahanda na ang kanilang hanay mula sa National Capital Region Police Office o NCRPO para sa huling State Of The Nation Address o SONA ng punong ehekutibo.
Ayon kay Eleazar, kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pagsisiguro nito sa seguridad ng bawat isa sa nalalapit na pagtitipon.
Dagdag pa ng opisyal na kanilang uulitin ang mga ginawang kahandaan at ipinatupad na pag-iingat sa mga nagdaang mga matagumpay na SONA.
Kabilang na ang maayos na pakikipag-usap ng PNP sa hanay ng mga iba’t-ibang grupo para matiyak ang zero casualty o incident sa mismong araw ng SONA ng Pangulo.
Kasunod nito, hinikayat ni Eleazar ang iba’t ibang grupo na planong magsagawa ng pagkilos na makipag-ugnayan muna sa kanilang tanggapan para matiyak ang kaligtasan ng bawat-isa kontra bansa.
Sa huli, siniguro din ni Eleazar na wala silang namomonitor na banta sa seguridad sa paparating na SONA sa Hulyo 26.