Nakipagpulong si Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin Jr., sa mga manufacturers at retailer ng paputok sa Bulacan.
Ayon kay Gen. Azurin, nagpaalala siya sa mga nasa pyrotechnic industry na iwasan ang paggawa at pagtinda ng mga iligal na paputok sa bansa.
Dahil nakasaad anya sa batas na bawal ang oversized na paputok na higit sa 0.2 gram o one third teaspoon ang lamang pulbura, gayundin ang paputok na gawa mula ibang bansa.
Layunin nito na matulungan ang mga bagong manufacturer na makakuha ng permit para mabigyan ng hanap-buhay ang mga walang trabaho.
Kasabay nito ang planong pagsasaayos sa patakaran sa pagbibigay ng lisensya sa mga kwalipikadong kumpanya. —sa panulat ni Jenn Patrolla