Inatasan ng Philippine National Police ang mga tauhan nito na pangalagaan ang dignidad ng pulisya lalo na sa nalalapit na midterm elections.
Ayon kay PNP Chief General Rommel Marbil, hamon sa pulisya ang gagawing pagbabantay sa darating na 2025 midterm elections.
Ipinunto ni General Marbil na mahalagang yaman na hindi dapat masira ng anumang tukso o maling impluwensya ang integridad ng mga pulis.
Dagdag pa ng Hepe ng pulisya na hindi dapat magpaapekto ang sinumang miyembro ng pambansang pulisya sa mga politiko.
Gayunman, pinuri ni General Marbil ang dedikasyon ng pulisya, kasabay ng paghimok na magkaisa upang mapanatili ang tiwala at respeto ng publiko. – Sa panulat ni John Riz Calata