Matinding galit, na-offend at kung maaari lang ay matunaw na sa hiya ang naramdaman ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald bato Dela Rosa matapos mabatid na sa loob mismo ng Kampo Crame pinatay ang Koreanong dinukot sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Dela Rosa, kung mayroon lamang siyang magagawa ay papatayin niya ang lahat ng mga pulis na sangkot sa kidnapping at sindikato, subalit tali ang kanyang kamay dahil ito ay labag sa batas.
Batay sa testimonya ng isang pulis na kasama ng primary suspect na si SPO3 Ricky Sta. Isabel, mismong ito ang sumakal sa biktimang si Jee Ick-Joo matapos makuha ang ransom sa pamilya ng biktima.
Sinabi ng Pnp CHIEF na galit na galit ang PNP dahil sinira ni Sta. Isabel ang imahe ng PNP kaya’t hindi niya hahayaang makalusot ang kidnapper na pulis sa kaso.
Kasabay nito humingi ng paumanhin ang PNP Chief sa gobyerno ng South Korea dahil sa nangyari sa Korean businessman kung saan mga tao nito ang sangkot sa krimen.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping