Inamin ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na ni-nais niyang magbitiw sa kanyang puwesto.
Ayon kay Dela Rosa, nais niyang bigyan ng kalayaan ang pangulo na pumili ng bagong PNP chief na makakagawa sa mga trabahong inaasahan para sa isang pinuno ng pulisya.
Aminado rin si Dela Rosa na naka-apekto sa kredibilidad ng Oplan Tokhang ng PNP ang pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Pagbibitiw ni Dela Rosa tinanggihan ng pangulo
Samantala, tinanggihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ni PNP chief director general Ronald dela Rosa na magbitiw sa puwesto.
Ayon sa pangulo, walang mabuting idudulot kung tatanggalin nya si dela Rosa sa puwesto.
Sa halip na tanggalin si dela Rosa, inatasan ito ng pangulo na habulin ang mga pulis na sangkot sa krimen.
Aminado ang pangulo na isa ang pagpatay kay Jee Ick Joo sa loob mismo ng kampo Crame ang nakaapekto ng malaki kay dela Rosa.
By Len Aguirre