Kinumpirma ni PNP chief director general Ronald Dela Rosa na protektor nga ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espenosa at anak nitong si Kerwin ang 2 heneral na kabilang sa tinaguriang narco-generals.
Inamin ni Dela Rosa na matagal na niyang alam ang koneksyon ng mga Espinosa kina retired general Marcelo Garbo at retired General at ngayo’y Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot bago pa man iyon lumutang.
Aniya, nakatatanggap na siya noon pa man ng mga impormasyon sa pagiging protektor ng 2 dating heneral.
Kinuha umano noon ni Loot si Kerwin bilang police asset ng regional anti-narcotics unit sa region 7.
Ayon kay Dela Rosa, si Kerwin umano dati ang nagtuturo kung sino ang mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa rehiyon ngunit sa kalaunan, ginagamit na rin si Kerwin na taga-recycle ng mga nakukumpiskang droga para maibenta muli.
By: Avee Devierte