Wala nang sasayangin pang pagkakataon si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa para ituloy ang mga nasimulan nito sa hanay ng pambansang pulisya.
Ito ang inihayag ni Dela Rosa makaraang palawigin pa ng tatlong (3) buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino hanggang Abril 21.
Ayon kay Bato, kaniya nang ibubuhos ang todong lakas sa karagdagang tatlong buwan para gawin at tapusin ang kailangang tapusin.
Dahil dito, ipinahiwatig ni Dela Rosa na lalo pang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra krimen partikular na sa iligal na droga nang may ibayong pag – iingat.
Nakatakda sanang mag – retiro si Dela Rosa sa kanyang ika limangpo’t anim (56) na kaarawan sa Enero 21 sa ilalim ng mandatory retirement program ng pamahalaan.