Dadalo sa pulong si Philippine National Police Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr. ng Chiefs of Police ng International Police Organization (INTERPOL) sa France.
Ayon kay Gen. Azurin, layunin ng pagpupulong na i-operationalize ang mga napag-usapang plano sa 90th INTERPOL General Assembly sa India noong Setyembre.
Magugunitang dumalo sa Interpol General Assembly si Azurin at positibong naipresenta ang kampanya ng PNP laban sa Iligal na droga, Cybercrime, Transnational Crime at Sexual Abuse.
Kasama ni Azurin na magtutungo sa France ang mga hepe ng PNP at “Quad-Staff”.
Makakabalik naman sa Pilipinas ang PNP delegation sa December 4. —sa panulat ni Jenn Patrolla