Maituturing na wake up call sa Philippine National Police (PNP) ang anito’y misrepresentation sa ginagawang profiling umano ng pulisya sa iba’t-ibang grupo.
Ito’y makaraang bawiin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Mgen. Debold Sinas ang inilabas niyang memo kaugnay sa updated list ng mga estudyanteng Muslim sa high school at kolehiyo sa Metro Manila.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa ang kaniyang mga regional, district at provincial directors na maging maingat sa pagbibigay ng direktiba na makaaapekto sa ibang grupo.
Magugunitang umani ng kaliwa’t kanang reaksyon at batikos ang ginawang pangangalap ng listahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga estudyanteng Muslim sa Metro Manila.
Gayundin naman ang ginawang pag-iimbita ng Makati City Police Office sa transgender na si Anne Pelos sa presinto sa mismong araw ng mga puso noong Pebrero 14.